Posts

Showing posts from 2022

Paunang Salita

Ang blog na ito ay naglalaman ng mga aralin mula sa aklat ng Apocalipsis na nai-broadcast sa Face Book page ng Believers in Jesus Christ the Lord Congregation sa panahon ng Covid-19 Pandemic. Hindi dapat matakot ang isang Crisitano na basahin at ipangaral ang nilalaman ng aklat ng Apocalipsis dahil ito ay sadyang ipinasulat ng Diyos upang malaman ng Kanyang mga alipin. Rev 1:1  Ang apocalipsis ni Jesu-Cristo, na ibinigay ng Diyos sa kanya upang ipahayag sa kanyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari sa madaling panahon , at kanyang ipinaalam ito sa pamamagitan ng mga sagisag at pagsusugo ng kanyang anghel sa kanyang aliping si Juan,  MAPAPALAD ANG BUMABASA AT NAKIKINIG AT TUMUTUPAD APOC 1:3   Mapalad ang bumabasa, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka't ang panaho'y malapit na.